Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Adebayo, Miami inararo Brooklyn

0 203

HINIYA nina Bam Adebayo at Jimmy Butler sina Kevin Durant at James Harden sa Brooklyn.

Nagtistis si Adebayo ng 24 points at 9 rebounds, sumegunda ng 17 points si Butler at tinalo ng Miami Heat ang Nets 106-93 Miyerkoles ng gabi.

Nagdagdag ng 15 points si PJ Tucker, may tig-14 pa sina Tyler Herro at Dewayne Dedmon sa Heat.

Salitan ang panalo-talo ng Brooklyn sa umpisa ng season tungo sa 2-3. Isa pa lang sa apat na laro ang naipapatalo ng Miami.

Tumapos si Durant ng 25 points at 11 rebounds, 5 for 11 sa labas ng arc si Joe Harris tungo sa 15 points. Nagsumite si Harden ng 14 points, 7 rebounds at 7 assists.

Nilista nina KD at Harden ang 25 sa 51 points ng Brooklyn sa first half, pero na-outscre ng Miami sa third quarter 32-23 para agawin ang manibela 81-74 pagkatapos ng 36 minutes.

Dinomina ng Heat ang paint scoring 48-34, bumentahe rin sa free throws 22 of 26 kumpara sa 13 of 14 ng Nets. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.