Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Adebayo, Butler pinainit Miami

0 189

Impresibo at umaasa si Fil-American Miami Heat coach Erik Spoelstra sa ipinakitang tikas ng kanyang bataan.

Nagtala ng double-double performances sina Bam Adebao at Jimm Butler upang tulungan ilista ng Heat ang 109-103 panalo laban sa New York Knicks sa 2020-2021 NBA regular season game kahapon.

“This was a game that we were going to have to win in the mud,” saad ni two-time champion coach Spoelstra.

Tumikada si Adebayo ng 24 points at 11 rebounds habang muntik magtriple-double game si Butler matapos irehistro ang 17 markers, 10 boards at siyam na assists para sa Heat na gumanda nang bahagya ang karta sa 9-14 record.

“Just keep building,” ani center Adebayo. “That’s what we got to continue to do. We’ve got to stack these Ws.”
Bakbakan sa unang dalawang quarters, abante lang ng isang puntos ang Eastern Conference defending champions Heat, 60-59 sa halftime.

Bumakas sina Kendrick Nunn at Tyler Herro ng tig-16 markers para sa Heat na naging matatag sa endgame.

“Everybody that played had some kind of contribution,” wika ni Spoelstra. “That’s the most important thing.”
Namuno sa opensa para sa Knicks si Julius Randle na may 26 pts. habang 21 ang inambag ni Reggie Bullock. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.