Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Adebayo binayo Celtics sa Game 3

0 63

NAWALA si Jimmy Butler sa second half, halos malusaw ang 25-point lead ng Miami pero kumapit para ipagpag ang Celtics 109-103 sa Game 3 ng East finals nitong Sabado sa Boston.

Rumesponde si Bam Adebayo ng 31 points, 10 rebounds para ihatid ang Heat sa 2-1 lead sa series. Game 4 sa Martes (araw sa Manila) sa TD Garden pa rin.

Namaga ang kanang tuhod ni Butler, pagbalik mula sa break ay kinumpirma ng Heat na hindi na siya maglalaro matapos magsumite ng 8 points sa 20 minutes.

Sorpresa ng Miami ang balik mula injury list nina Kyle Lowry at PJ Tucker na parehong game-time decision. Nagsumite si Lowry ng 11 points, 6 assists, umiskor ng 17 si Tucker.

Naiwan hanggang 62-37 ang Celtics pero unti-unting nakabalik hanggang manindak sa 93-92 kulang 3 minutes pa sa 3 ni Jaylen Brown.

Sumagot ng tres din si Max Strus, diangdagan ng basket ni Adebayo para ilayo sa anim.

Bumomba ng 41 points si Brown sa Celtics, inayudahan ng 20 markers at 14 boards ni Al Horford. Naka-10 points lang si Jayson mula 3 of 14 shooting, pinaghatian nila ni Brown ang 13 sa 24 turnovers ng Boston. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.