Una sa Balita

ADDY, ‘NO HARD FEELINGS’ SA JAK-BARBIE RELASYON!

By
0 157

Masaya ang Kapuso hunk na si Addy Raj at napasama siya ulit bilang isa sa bachelors ng Cosmopolitan.

Kung noon ay isa lang siya sa maraming bachelors, ngayon ay kabilang na siya sa Top 10 Centerfold Bachelors.

Noong sabihin daw sa kanya ito, mabilis na nag-diet at nag-workout para bumalik ang kanyang washboard abs.

Inamin ni Addy na nag-gain siya ng weight after ng teleseryeng Meant To Be dahil nagbakasyon ito sa India at napakain daw siya ng marami.

“I gained so much weight, nawala ang abs ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa niya.

“But I was given enough time to get back my abs. I stayed away from sweets and oily foods. I worked out for six times a week and I started running again.

“Just in time for the photo shoot for Cosmo, my abs are back!”

Kasama nga niya sa Top 10 Bachelors ng Cosmo ay ang kaibigan at co-star niya sa Meant To Be na si Jak Roberto na rumored boyfriend na ngayon nang pinag-agawan nila, kasama sina Ken Chan at Ivan Dorschner, sa teleserye na si Barbie Forteza.

Pero happy naman daw si Addy sa kanilang dalawa, lalo na’t nanggaling pa kay Barbie mismo ang pag-amin nang magpakawala ito ng sky lantern sa Shine Festival in Indiana, USA at may nakasulat na

“Monay at Pandesal Sana Magtagal”.

Ayon pa kay Addy, noon pa raw nila alam na may balak si Jak na ligawan ng totohanan si Barbie after ng teleserye nila. Hindi raw nila inakala na tototohanin ito ni Jak.

“We’re all happy for JakBie. It’s like may the best man win sa aming apat nila Ken, Ivan and Jak.

“There’s no hard feelings because we are all friends and we got so close kasi. So we have to be happy with the desisyon of Barbie,” ngiti pa niya.

Ayon pa kay Addy ay may plano raw na magkaroon ng part two ang Meant To Be.

Pero paano ang gagawin dahil sa ending ng teleserye, si Ken ang nakatuluyan ni Barbie, pero in real life, si Jak ang pinili niya.

“I hope there won’t be any conflict. Like what I said, we’re all friends and we respect what Barbie wants.

“But I still pray that we all get together again for a new show,” pagtapos pa ni Addy Raj.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy