Una sa Balita

‘Add to cart’

0 244

DALAWAMPUNG araw na lang Pasko na! Nakapamili ka na ba ng mga pangregalo?

Magaganap ang Round 2 ng 11.11 (­November 11, 2019) Big Christmas Sale o Shopping Festival sa 12.12 (December 12, 2019) ayon sa anunsyo ng isang online ­shopping company.

Sinabay sa selebrasyon ng Single’s Day noong 11.11 ang pakulong ito na humakot ng 1 milyong ­single na bumili sa isang e-commerce platform sa loob ng 24 oras batay sa datos ng nangungunang ­kompanya sa larangan ng internet retail industry na isa sa nagpakilala sa mga Pilipino ng kultura ng “click and buy”.

Kakaibang marketing strategy ito na nagpabaha ng mga discount na aabot sa 95% price off kaya ­nagkumahog ang mga Pinoy para makabili ng produktong mura ang halaga. Wais ang ­pagka-target sa mga single lalo na ang young professionals na ­mayroong sariling desisyon sa kanilang budget.

Alam niyo ba na ang Single’s Day ay nagsimula sa China noong 1990s. Apat na single na lalaki ang ­nakaisip ng ideya na icelebrate ito kaya apat din na 1 o 1111 ang naging representasyon nito at mula noon ay ipinagdiriwang na sa China at ngayon ay umabot na rin sa Pilipinas.

Dalawang mukha ang ipinakikita ng Single’s Day online shopping festival na ito. Kung paminsan-minsan nga lamang ang online shopping o ocassional indulgence lamang ay maganda itong ipagdiwang.

Ngunit paano kung madalas na ito at naging bad habit na sumisipsip sa kita at ipon ng mga single at pagbili ng mga ­hindi kailangan? Ang iba raw ay lubog na sa utang dahil sa online ­purchases.

Nakasisira rin daw ang online shopping addiction at compulsive buying ng mga pangarap at pakikipagrelasyon ng Generation X at Millennial.
Paano ba maiwasan ang pagkagat sa “sweet deals” ng sanlaksang online shops? Magpapatalo ka ba sa tawag ng emotional satisfaction at immediate ­gratification?

Bawas-bawasan daw ang online shopping sa ­pag-track ng “shop for ship” linggo-linggo. Wake up call at eye opener na ito kung labis na ang pagbili online.

Related Posts

Tanggalin din ang mga shopping app dahil ­libre at madali naman ang pag-down load niyan kung ­sakaling kailanganin talaga.

Gupitin at itapon o itago ang credit card kung ang “plastic” na ‘yan ang puno’t dulo ng ­pagkahumaling sa produktong mayroong malaking discount at walang pigil na pagpindot ng click button.

Dahil lahat ngayon ay naka-mobile data na, ­palitan ang pagkahilig sa online shopping ng ­kakaibang entertainment na pampalipas oras. Dagsa sa You Tube ang sari-saring video ukol sa mga bagong hobby at iba pang bagong kaalaman na puwedeng panlaban sa pagkainip.

Pero ang pinakamabisang online shopping ­addiction buster ay ang pag-iisip ng iyong life goal. Think about what gets you the most excited in life. What’s the one thing you really want to do?

Hanapan ng mas makahulugang paggamit ng pera.

Gugustuhin mo bang ubusin ang iyong pera at ipon bilang fun money sa pagbili ng maraming pares ng sapatos na hindi mo naman sabay-sabay na ­maisusuot dahil dalawang pares lang naman ang iyong mga paa. Ang 75% (kailangan)-25% (luho) principle ayon sa iba ang sinusunod nila.

Don’t be a slave of online shopping and kick the bad habit. Think before you pick. Maging wais! Kung mayroong pang-aakit na mag-online shopping, bago mahilig ay mag-isip isip.

***

Kung mayroong katanungan ukol sa Life ­Coaching o mayroong kuwento kayo na nais ibahagi, ­maaaring mag-email sa coachalextr@gmail.com o mag-text sa 0917-5332322. Si Alex “Lex” Rosete ay isang ­Certified Life Coach mula sa Life Coach Philippines. Isa rin ­siyang guro, trainer at consultant sa communication, human resources management at public administration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy