Una sa Balita

Adarna nagpakita sa publiko, balik-showbiz na

0 632

Dalawang taon makalipas na magpahinga sa showbiz limelight ang sexy actress na si Ellen­ Adarna, heto nga at tila pareho sila ni John Lloyd Cruz na paunti-unting bumabalik sa ­industriya.

Parehas na namahinga ang dalawa sa showbiz industry at napabalita na nga lang na nakabuo na nga sila ng ­pamilya sa Cebu, ang hometown ng aktres.
June 2018 nang mabalitang nanganak na si Ellen sa baby nila ni John Lloyd.
Anyway, ipinakilala na nga si Ellen ng isang sikat na ­eyebrow service brand bilang modelo nito.

Sa video interview na inilabas ng naturang brand, sinabi ni Ellen na looking forward siya sa “mommy make-over”.

Binanggit din ng aktres na dumayo pa siya ng Manila para i-shoot ang interview sa brand na kanyang ineendorso.

Nababalita nga ngayon na hiwalay na sila ni John Lloyd. Dala­wang ­buwan makalipas na lumabas­ si John Lloyd bilang ­endorser naman ng isang shawarma brand, si Ellen naman ngayon ang out sa publiko bilang endorser ng eyebrow service brand. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy