Una sa Balita

Adamson Falcons angat sa 3-0; Ahanmisi, Magbuhos bumuhos

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre) 1 p.m. – UP vs FEU 4 p.m. – UE vs DLSU

By
0 156

LUMAKAS ang kapit ng Adamson University sa tuktok matapos dagitin ang 79-71 panalo kontra University of Santo Tomas kahapon sa unang­ laro ng 81st UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ipinaramdam ng Falcons ang tikas sa depensa, nakapagtala ng 28 puntos sa pagtulak ng 27 turnovers sa nawalan ng bangis na Tigers upang ilista ang malinis na tatlong panalo.

Nakalamang ng 10 sa first half ang Falcons dahil sa errors ng kalaban.

Tumikada si Jerrick Ahanmisi ng 20 points para sa Falcons habang bumakas si Vince Magbuhos ng 15 puntos at apat na steals.

“My bench players proved that they are capable of stepping up,” hayag ni Adamson head coach Franz Pumaren.

Nagtala rin para sa Adamson sina Jonathan Espeleta at Simon Camacho ng 12 at nine markers, ayon sa pagkakasunod.

Dumikit ang Grow­ling Tigers 60-61 sa kaagahan ng fourth period subalit hindi nasira ang diskarte nina Ahanmisi at Kristian Bernardo na nagtulong upang isalpak ang pitong sunod na puntos para sa 68-60 abante. ()