Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Adamson balik sa win column

0 70

Madaliang winalis ng Adamson Lady Falcons ang UE Lady Warriors 25-16, 25-14, 25-9 sa ikalawang araw ng round 2 ng UAAP women’s volleyball tournament season 84 sa Mall of Asia Arena.

Si May Ann Nuique ang humarabas para sa San Marcelino-based squad matapos magpakalat ng 9 points mula sa 5 attacks, 1 block at 3 service aces para tanghaling Player of the Game.

Kasangga niya sa paluan si Trisha Mae Genesis na humataw ng 13 markers na nanggaling sa 10 kills at 3 aces upang ibawi ang Lady Falcons sa mapait na pagkatalo kontra sa UST Golden Tigresses nitong Huwebes.

Samantala, naging sandalan ng Adamson si Lucille Almonte at Kate Santiago sa floor defense matapos mag-ambag ng 8 at 7 excellent digs habang toka naman sa pagse-set ng bola si playmaker Louie Romero dahil sa inilistang 11 excellent sets.

Nasayang naman ang tig-7 puntos nina Jan Lana at Dara Nieva ng Lady Warriors na ngayong nasa ilalim ng team standings.

Sa nakuhang panalo ng Adamson ay nakabalik na sila sa winning column na may 5-4 kartada habang ang UE ay nananatiling winless na may 0-8 baraha. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.