Una sa Balita

‘Ad Majorem Dei Gloria’

0 313

Noong nakaraang linggo ay nasa Cagayan de Oro po tayo para sa ilang dinaluhang aktibidad na may kinalaman sa pagsusulong ng mga mahalagang programa ng administrasyong Duterte.

Pero bago ko po ­talakayin ang mga ito ay nais ko munang magpasalamat sa mga opisyal at miyembro ng Ateneo de ­Cagayan Alumni Association ­dahil sa ibinigay na pagkilala sa inyong lingkod bilang isa sa mga ­Outstanding Alumni ng Xavier ­University-Ateneo de ­Cagayan noong ­Biyernes, November 29, 2019.

Isang malaking kara­ngalan po na ako ang isa sa mga nabigyan ng pagkilala bilang ­Outstanding Alumnus Award for ­Professional Service in Communication.

Gaya ng slogan ng Xavier University na “Ad Majorem Dei Gloriam!,” o “For the Greater Glory of God,” nais ko pong bigyang-diin na ang ­ginagawa ko po ­ngayon sa gobyerno at mga kapwa ko awardee ay hindi para sa personal na kapakinabangan, kundi pagseserbisyo ito ng tapat para sa sa lahat, sa bayan, at Diyos.

Ang taunang event ng Xavier University-Ateneo de Cagayan ay iniaalay sa mga alumni na naka­gawa ng kontribusyon para sa kabutihan ng lipunan at nagsisilbing huwaran sa iba.

Habang tinatanggap ko ang parangal noong nakalipas na linggo ay nagbalik-tanaw sa akin ang mga panahong ako ay estudyante pa lamang sa Ateneo de Cagayan.

Doon sa lugar kung saan ako ginawaran ng pagkilala ay ang mismong kuwarto kung saan ko ginawa ang ­aking unang talumpati dalawampu’t siyam na taon na ang nakalipas.

Ang talumpati ko noon ang naging inspirasyon ko para pasukin ang larangan ng media.

Masasabi kong “symbolic” ang pagkakataong iyon dahil makalipas ang nagdaang ilang panahon ay naging broadcaster po tayo at nakamit ang aking pangarap.

Iniaalay ko po ang prestihiyosong ­parangal na iginawad sa akin para sa lolo at lola ko, ­magulang ko, mga dating guro, classmates at mga kasamahan ko ngayon sa serbisyo publiko.

Ang Xavier University- Ateneo de Cagayan ang masasabi kong aking pangalawang tahanan kung saan nahubog ang aking pagkatao simula grade school hanggang high school at tatanawin ko ito habambuhay. Maraming maraming salamat po!

Isa sa mga mahalagang naging pakay ­natin sa Cagayan de Oro City noong nakalipas na ­linggo ay ang pakikipag­pulong sa local media at stakeholders sa aking kapasidad bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security for Northern Min­danao (CORDS-X) kung saan inilatag po natin ang mga plano para matugunan ang pro­blema ng insurhensiya at kahirapan sa rehiyon.

Naniniwala po ako na malaki ang papel na gagampanan ng pribadong sektor para malutas natin ang kahirapan. Mas malaki rin ang pagkakataon na mawala na ang mga rebelde kapag naisulong na ang mga programa para sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno at sa malayang lipunan.

“Ad Majorem…

Kaya naman inimbitahan ko rin po ang mga non-profit group sa lungsod para makiisa sa pagbalangkas ng mga programa kasama ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na layuning mahikayat ang mga rebelde sa Region 10 na samantalahin ang mga programa ng Duterte administration para sa mga taumbayan.

Interesado rin ako sa inisyatiba ni Archbishop Antonio Ledesma na malutas ang problema ng malnutrisyon sa rehiyon, at naniniwala po ako na malaki ang magagawa kapag nagkakaisa ang lahat para sa iisang adhikain.

Naniniwala ako na kapag magsasanib-pwersa ang gobyerno at private sector, mas epektibo nating maipatutupad ang mga solusyon sa problema sa insurhensiya at kahirapan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More