Una sa Balita

Actress-TV host bawal pang magbuntis

0 787

abante-anything-goes-jun-lalinNaniniwala ang mga kaibigan ng isang actress-TV host na gusto na talaga niyang magbuntis, pero hindi pa nga lang talaga puwede.

Sabi ng isang kaibigan ni actress-TV host na nakausap ko, naniniwala naman siya na sincere ‘yung sinabi ng kanyang kaibigan, pero iba naman ‘yung gusto na sa puwede na, huh!

Ang alam kasi ng kaibigan ni actress-TV host, may endorsement deal ito na nagsasaad na hindi pa nga siya puwedeng magbuntis, not in the next two years.

Pero ang mga kaibigan din naman ni actress-TV host, excited na na magka-baby siya dahil ang ganda naman talaga ng kanyang lahi, pati ang lahi ng kanyang mister.

Excited sila na makita ang magiging baby ni actress-TV host na sigurado raw na pagkaganda-ganda!

 

Luhaan man sa takilya: Alessandra, Paolo inuulan ng papuri

Nakakatuwa itong si Alessandra de Rossi.

Sobra palang namo-monitor niya ang mga feedback sa pelikula nila ni Paolo Contis, ang Through Night and Day.

Alam na alam ni Alessandra na sobrang napupuri ang kanilang pelikula, kaya very thankful siya.

Kahit may mga nagta-tag nga sa kanya ng mga post tungkol sa Through Night and Day ay nagko-comment pa si Alessandra.

And in fairness naman, hindi man box-office hit ang Through Night and Day, marami-rami naman ang nanonood noon at nagsasabing ilang beses nilang pano­noorin pa ang pelikula dahil sobrang ganda!

Ang ate nga ni Alessandra, si Assunta de Rossi, sobrang proud dahil sa mga papuri sa kanyang kapatid sa nabanggit na pelikula.

Napanood din ni Assunta ang Through Night and Day at nagandahan siya roon!

 

Karla certified donya sa dami ng negosyo

Noong Sunday ay nagbukas ang Queen Mother Salon branch sa Ali Mall.

Siyempre, isinunod sa bansag kay Karla Estrada ang pangalan ng kanyang salon na ang dami na ring nagpa-franchise.

Sa sobrang successful ng business ni Karla ay lalo siyang yumayaman, huh!

Certified Donya na talaga siya!

Nakakaaliw nga si Karla dahil parang nanliliit siya kapag tinatawag ko na Donya, ‘noh?!

Tawa lang siya nang tawa kapag sinasabi ko ‘yon.

Biro ko nga sa kanya, wala siyang dapat ipag-worry dahil sinasabi ko lang naman na Donya siya at wala akong balak na harbatan siya, huh!

Hahaha!

Oo nga pala, pagdating sa Magandang Buhay morning talk show nila nina Jolina Magda­ngal at Melai Cantiveros ay sobrang thankful din si Karla dahil lalo pa itong lumalakas.

Mukhang hindi nga sila matinag-tinag sa timeslot nila, kaya marami ang nagsasabing lalo pang magtatagal ang show na ang timeslot ay dating pinagbibidahan ni Kris Aquino.

Ay, teka! May nagtanong nga pala sa akin kung bakit parang hindi na raw talaga close sina Karla at Kris ngayon? Well…