Una sa Balita

Actor-politician takaw-pansin sa kuliti

By
0 29

Kung makakasalubong mo ngayon ang isang actor-politician, agad na papasok sa iyong isipan na namboso ito matapos tubuan ng kuliti sa kanyang mata.

Kilala kasi sa pagi­ging babaero ang aktor at politiko at marami din na ginagawang kalokohan sa kanyang buhay kaya’t unang hatol sa kanya, nanilip kaya tinamaan ng kuliti.

Pero sa nakalap na impormasyon mula sa petmalung spy na si Mang Teban, iba daw ang dahilan kaya tinubuan sa kanyang mata ang mokong.

Nawili daw kasi sa panonood ang ating lodi, hindi naman sa mga bold na pelikula kundi tungkol sa isang American crime-drama web-television series.

Mistulang naadik daw sa panonood si mokong dahil tungkol ito sa buhay ng kilabot na drug kingpin na si Pablo Escobar na naging bilyonaryo dahil sa produksyon at pagbebenta ng cocaine.

Mukhang hindi lang daw isang episode ang tinira ni mokong kundi ilang episode ang kanyang pinanood, kulang na lamang ay ubusin ang buong season matapos madala sa kwento ng kanyang pinapanood.

Daig pa raw ng actor-politician ang manlalaro ng mahjong dahil kinaya nito ang panonood hanggang sa sikatan ng araw, tutal ay wala naman daw siyang gagawin kinabukasan kaya tinodo na ang panonood.

Ang masaklap nito, nang matapos sa kanyang panonood, doon na naramdaman ang sakit ng mata, ‘yun pala ay unti-unti nang namamaga ang talukap ng kanyang mata.

Ang aktor ay mahilig magpatawa at dati na ring nanilbihan sa lokal na pamahalaan subalit napadalas ang talo sa halalan. May letrang M sa kanyang pangalan as in Masahista ang dating kinalolokohan nito.