Una sa Balita

Actor Jake Cuenca, sumalpok sa truck sakay ng bisikleta

By
0 3

Bali ang dalawang buto sa kamay at may sugat sa baba ang aktor na si Jake Cuenca nang isugod ito sa Medical City Hospital matapos sumalpok sa truck ang minamaneho nitong bisikleta sa bahagi ng Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.

Sa panayam ng DZMM sa tatay ng aktor na si Juanto Cuenca, aksidenteng bumangga ang bisikleta ng kanyang anak habang ito ay nagte-training sa MOA grounds kaninang alas-7:00 ng umaga.

Hindi umano agad namalayan ni Jake na nag-sudden stop ang nasa harap nitong truck kaya hindi na nakakuha ng tiyempo na pihitin ang preno.

“Si Jake kasi every morning, he trains for Ironman sa may MOA. Biglang nagpreno ang isang malaking truck and he did not have time to break, so tinamaan niya yung truck. Dumiretso siya sa ospital. Nasa emergency room siya, nasa trauma,” wika ng ama ng aktor.

Bagama’t conscious umano si Jake, umaangal umano ito ng sakit sa katawam dahil sa malakas na pagbunggo sa truck.

“Yung driver niya mismo [ang nagdala sa kanya sa ospital] because there were no ambulances on site. Sa Medical City, that’s where he is now. Meron siyang two broken bones on the hand. He had to have stitches in his chin. They are still continuing with the tests kung ano pa ang damage sa kanya.”

Sa insiyal na ulat, posibleng isailalim sa operasyon sa Biyernes si Jake dahil sa dalawang bali sa kanyang kamay.