Una sa Balita

Acting ni Joshua tinabla sa Osaka Film Festival

By
0 3,262
Marami sa mga tagahanga nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang na-disappoint na hindi belong sa competition ang pelikula nilang Love You To The Stars And Back sa darating na Osaka International Film Festival sa Japan
 
Invited ito for screening bilang selebrasyon ng 100 Years of Philippine Cinema sa nasabing festival, pero hindi nga ito panlaban sa anumang awards.
 
Sobrang hinayang lalo na yung mga fan ni Joshua dahil napakaganda ng feedback ng acting niya rito bilang isang cancer-stricken bagets na na-in love sa isang babaeng naniniwala na totoo ang aliens.
 
Isa nga naman ang acting dito ni Joshua na hinuhulaang isa sa magiging paborito ng alinmang award-giving bodies sa taong ito dito sa atin.
 
But then, happy pa rin daw ang Filipino fans dahil may tatlo tayong pelikula sa Osaka Film Festival na in competition para sa top prizes.
 
Ito ay ang Mr. and Mrs. Cruz ni Sigrid Andrea Bernardo na kapapalabas pa lang sa takilya, ang NeoManila ni Mikhail Red at ang entry naman ni Giancarlo Abrahan na Paki  (Please, Care).
 
Tatakbo ang pestibal sa March 9 hanggang sa March 18.

Neil Arce love ng tatay ni Angel

Finally inamin na ni Angel Locsin na silang dalawa na nga ng film producer na si Neil Arce.
 
Pero, nilinaw niya na ngayong buwan lang talaga nagkaroon sila ng pormal na relasyon, pero ang pitong taon nilang friendship ang pinaka-solidong foundation sa kanilang kabagu-bagong relasyon.
 
Wow! At least, umamin na, devah, unlike sa iba, pero katsa­ringan ang mga sagot, e, buking na buking naman.
 
Ayaw raw ma­ging echoserang frog ni Angge kaya gusto na rin niyang lagyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Neil lalo na at tuwing may tsikahan, ito at ito ang natatanong sa kanya. Honest girl, huh!
 
Ang mahalaga, tanggap si Neil ng kanyang Daddy at kita namang mahal nito ang kanyang pamilya.
 
Well, ibig sabihin nito ay bongga ang kanyang Valentine’s Day, noh! Hindi raw mahilig sa celebration ng V-day ang Kapamilya actress, pero ang alam niya ay may inihahanda para sa kanya ang kanyang dyowa.
 
Ayaw raw niyang usisain o alamin para kahit papaano ay may element of surprise naman ito.
 
Toast to Angge and Neil, huh!