Una sa Balita

ACT-CIS rep caretaker ng Benguet

0 232

TINIYAK ni ACT-CIS party-­list Rep. Eric Go Yap ang kanyang matapat­ at mapagkakatiwalaang serbis­yo kasabay ng pagtanggap sa hamon na ibinigay sa kanya bilang caretaker sa lone district ng Benguet.

Ito ang ipinahayag ni Yap matapos siyang itala­ga ni House Speaker Alan­ Peter Cayetano bilang caretaker ng probinsya matapos masawi nitong Disyembre dahil sa malubhang karamdaman ang inihalal na kongresista na si Nestor Fongwan Sr.

“Tinatanggap natin ng buong puso ang hamon na maging caretaker ng Congressional District ng Benguet at tinitiyak ko na gagampanan natin ng buong husay ang mandatong ito na walang halong sariling interes bukod sa paglilingkod ng tapat sa mga kababayan natin sa Benguet,” ayon sa paha­yag ni Yap.

Bagama’t aminadong hindi tubong Benguet, iginiit naman ni Yap na naging malaking bahagi sa kanya ang probinsya noong siya ay ahente pa lamang ng iba’t ibang produkto bago maging isang matagumpay na negosyante.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More