Una sa Balita

Acosta suspindihin!

0 492

INAKUSAHAN ng mga hindi nagpakilalang abogado ng Public Attorneys Office (PAO) ang mismong hepe nito na si Persida Acosta, na ginagamit umano ang isyu ng dengvaxia para sa korapsyon.

Maliban kay Acosta, ay sangkot din umano sa katiwalian si PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe.

Sa inihaing manifestation sa Office of the Ombudsman ng mga hindi nagpakilalang abogado at empleyado ng PAO ay inakusahan nito sina Acosta at Erfe na ginagamit ang isyu ng dengvaxia para makakuha ng dagdag na pondo.

Kasabwat umano ang dalawang accountants ni Acosta na sina Lira Hosea Suangco, at Maveric Sales, ay gumagawa ito ng purchase orders para makakuha ng dagdag na pondo sa ahensya.

“Respondent Acosta has ordered her cohorts to edit, revise and antedate PAO’s purchase requests, purchase orders, procurement forms, memoranda, and other documentation in order to make it seem legitimate and to justify the diversion of the PAO’s budget to the Dengvaxia victims,” nakasaad sa manifestation.

May pagkakataon din umano na mismong pondo ng PAO ang ginagamit sa pagbili ng tarpaulins, T-shirts at kabaong na ginagamit sa rally kontra sa dengvaxia.

Ang modus umano ng dalawa ay hihingi ng dagdag na pondo para sa dengvaxia isyu at sa oras na mapalabas ang pondo ay hindi dito gagamitin bagkus ay pansarili.

Ang manifestation ng hindi nagpakilalang mga abogado ng PAO ay bilang pagsuporta sa nauna nang inireklamo sa Ombudsman ng isang Atty Wilfredo Garrido Jr. na humihiling din na suspendihin ang dalawa dahil sa korapsyon.

“The funds that were intended for the purchase of office supplies were never used for its intended purpose. (PAO) did not purchase new stock. Ins­tead, (PAO) still rationed the excess supplies of 2017.

The use of purchase orders or requests is one of the schemes that respondent Acosta is able to obtain extra funds from the PAO budget,” nakasaad pa sa manifestation.

Batay sa 2018 Audit Report ng Commission on Audit (COA) sa PAO, lumilitaw na bumili ito ng inventory items na aabot sa P13 milyon na sobra-sobra sa allowable stock na itinatakda sa General Appropriations Act.

Sinabi ng COA na bagama’t may sobra pang stock sa 2017 ay bumili pa ng dagdag na stock ang PAO para sa 2018 at kabilang sa overstocked supplies ay mga marker, ink cartridge, stamp pad ink at batteries at P80,000 halaga pa ng plastics, cutters, ribbons, insecticides, data file boxes, pens, envelopes at cartridges.

Sinabi ng PAO sa COA na ang dagdag na office supplies ay kasunod na rin ng kinakailangang printing at protocopy ng mga domukento para sa pagsasampa ng kasong sa dengvaxia issue.

Hiniling ng mga abogado na gamitin ng Ombudsman ang kapangyarihan nito para maimbestigahan sina Acosta at Erfe.

Fake news at libelous
Bilang reaksyon, tinawag na fake news ni Acosta ang nasabing manifestation kung saan nagbanta pa ito na kakasuhan ang gumagamit sa mga abogado ng PAO para siraan siya.

“Fictitious po. It is a mere scrap of paper. Puwede po makasuhan ang gagamit niyang (mga sinasabi nila,” ayon kay Acosta.

“Complaints which are not supported bv valid facts, real evidence, and law; hence LIBELOUS and mere HARASSMENTS should not be allowed by any court of agencies to be continuously used by false accusers and their cohorts in defaming the innocent victim,” tweet din ng PAO chief kahapon.

Malacañang dumistansiya sa reklamo
Dumistansiya ang Malacañang sa kahilingan ng mga abogado ng gobyerno na suspindihin ng Ombudsman si Acosta dahil sa isyu ng umano’y katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na hahayaan ng Malacañang na gawin ng Ombudsman ang trabaho dahil kahit kailan ay hindi nakikialam ang Ehekutibo sa panloob na usapin ng ibang mga sangay ng gobyerno.

“Well if there is a case in the Ombudsman, then we’ll let the Ombudsman do its work. As a matter of policy, the President does not interfere in the work/function/activity of any constitutional body or any branch of the government. Let the law takes its course,” ani Panelo.

Bahala na aniya si Acosta kung nais nito na magbakasyon muna habang iniimbestigahan kaugnay sa reklamo ng mga abogado nito.

Sinabi ni Panelo na hangga’t hindi napapatunayan ang bintang laban sa isang opisyal ng gobyerno ay man anatili ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Eh palagi naman si Presidente, hanggang walang findings of probable cause, palaging nandoon iyong trust. Pero, kung ‘pag may probable cause na, iba nang usapan iyon—then there will be suspension galing sa Ombudsman. Eh hindi naman teritoryo ni Presidente iyon,” dagdag pa ni Pa­nelo. (Tina Mendoza/Juliet de Loza/Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy