Una sa Balita

Acosta isinumbong ni Duque kay Duterte

Pasimuno ng vaccine scare

By
0 487

INIREKLAMO ni ­Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta dahil sa dengue vaccine scare.

Nagresulta aniya ito ng takot sa mga magulang kaya ayaw nang ipabakuna ang mga anak na naging dahilan para maapektuhan ang immunization program ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagsusumbong ni Duque sa Pangulo ay kaugnay sa ginanap na cabinet meeting kagabi.

Wala naman ­aniyang naging tugon ang Pa­ngulo at sa halip ay inatasan si Duque na gumawa ng paraan para maalis ang agam-agam at pangamba ng mga tao sa immunization program ng pamahalaan.

“He directed the DOH to do something about it. And Duque said ‘we are already doing something about it, like conducting massive immunization plus information campaign that it is better to prevent than to kill,’” ani Panelo.
Biniro aniya ng Pa­ngulo si Duque na baka type lamang siya ni Acosta kaya pinayuhang bagalan ang takbo niya nang magkalapit sila ng PAO chief.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi sinisisi ng Palasyo si Acosta sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna ng anak.
Hindi aniya inaalis na nakadagdag sa takot ng mga magulang na ipabakuna ang mga anak dahil sa pag-iingay ni Acosta sa kanyang adbokasiya kontra Dengvaxia vaccine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy