Una sa Balita

Acosta hugas-kamay sa dengue outbreak: Ako ba ‘yung lamok?

0 502

UMALMA si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta sa mga insinuwasyon na siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng dengue outbreak sa bansa.

“Bakit ako ang sinisisi sa dengue outbreak? Ako ba ‘yung lamok? Ako ba ‘yung virus? Ako ba ‘yung nag-announce na hindi pala safe itong Dengvaxia sa mga zero-negative (na pasyente)? 2016 pa lang po, may namatay na sa Dengvaxia,” diin ni Acosta.

Sina Acosta at PAO Forensic Laboratory Chief Erwin Erfe ang nanguna sa pag-autopsy sa mga batang hinihinalang namatay matapos turukan ng Dengvaxia.

Nanindigan ang dalawa na ang Dengvaxia ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga bata, pero wala namang ganitong konklusyon ang Department of Health.

Dahil sa pagkatakot ng mga magulang, hindi na nila pinabakunahan ang kanilang anak hanggang sa bawiin ang Food and Drug Administration ang certificate of product registration ng Dengvaxia.

Subalit dahil sa paglobo ng kaso ng dengue sa bansa, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na bukas siya sa pag-aaral kung maaaring gamitin ulit ang Dengvaxia.

Umalma din sina Acosta at Erfe sa isinampang reklamo sa kanila sa Ombudsman ng abogadong si Wilfredo Garrido, at mga anonymous na PAO lawyer umano. Ginamit umano ng dalawa ang P13 milyong budget ng PAO sa pagbabalangkas ng kaso kaugnay ng Dengvaxia.

“Basura (po ang complaint)… Dito sa opisina, there is no corruption policy. Bawal humingi, ba­wal tumanggap,” diin ni Acosta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy