Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Acierto maagang namulat sa manok

0 207

BETRERANO nsa pagmamanok si Maw Acierto ng “Taxman GameFarm”, marami nang karanasan kaya naman matagumpay siya bilang commercial breeder.

Ikinuwento ni Acierto sa “Sabong On Air” na bata pa lang ito ay nahilig na sa pagmamanok kasama ang kanyang lolo.

“Bata pa lang ako may exposure na ako sa manok, alaga ng lolo ko doon nag-umpisa,” saad ni Acierto kay Ka Rex Cayanong, host ng Sabong On Air.

Naengganyo maging commercial breeder si Acierto noong marami nang gumagamit sa kanilang warriors para ilaban sa derby.

Inamin ni Acierto na mas gumanda ang demand ng manok noong magsimula ang Sabong Online ng WPC na pinamumunuan ni Charlie “Atong” Ang.

“Naging mas maganda ang takbo ng farm dahil sa WPC Online Sabong, tumaas po ‘yung demand maraming bumibili ng manok,” pag-amin ni Acierto.

Escoline ang gamit nilang bloodlines bilang materyales, ito’y ang Sweater, Gilmore at Boston.

Para sa buong panayam ng Sabong On Air kay Acierto ay mapapanood ng buo sa YouTube. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.