Una sa Balita

Acampado, ‘Pinas kampeon sa World eSports SEA finals

By
0 282

TINANGHAL na-overall champion ang Pilipinas sa ginanap na World Electronic Sports Games SEA Finals sa pagwagi sa tatlong pinaglabanang pitong game titles Linggo sa Quill City Mall sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinagwagian ng mga Pilipinong koponan na TNC Predator at ArkAngel ang gold medal sa Dota 2 at CS:GO sa kababaihan habang inangkin ni Caviar “EnDerr” Acampado ang gold sa Starcraft II.

Humbalot din ang TNC ng silver sa CS:GO habang si Euneil “Staz” Javinas ay sumegunda sa Hearthstone.

Ilan sa nagwagi pa ng medalya sina Cara “Caracute” Vergel De Dios, na pumangalawa sa Hearthstone Female.

Maliban sa medalya ay iuuwi ng mga manlalaro ang mga nakatayang cash prize at pagkuwalipika sa susunod na gaganapin na WESG 2018 Global na idaraos sa Chongqing, China sa Marso 2019.

Kapwa iuuwi ng TNC Predator at ArkAngel ang USD 7,500 habang si Acampado ay may USD 3,750. Bilang ikalawa ay may dagdag ang TNC na iuuwing USD 4,500 habang si Javinas ay magbubulsa ng USD 2,250. Nagkasya din si De Dios sa pagtanggap ng USD 750.

Ang WESG ay unang inilunsad noong 2016 ng Alibaba Sports sa China sa hangad na ipinakita ang ideya na magkaroon ng isang Olympic style tournament sa eSports.

Kaiba sa mga regular na torneo sa eSports kung saan ang isang koponan ay iba-ibang lahi ang magkakasama, ang WESG ay tanging isinasali lamang ang mga koponan na binubuo ng mga manlalaro mula sa isang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy