Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AC Bonifacio namuhi sa katawan niya

0 75

Ganadong magtrabaho ngayon ang actress-dancer na si AC Bonifacio lalo pa’t napansin na rin siya internationally at nag-guest sa episode ng sikat na Netflix series na “Riverdale.” Pero hindi raw naging madali ang pagsisimula niya sa showbiz at muntik na niyang ayawan ang career dahil sa panlalait ng mga basher.

“I’ve had moments where I literally wanted to give up, na gusto ko na talagang mag-stop because I couldn’t do it. I was a little kid and I was hearing all these things about me, especially from bashers, I didn’t know how to handle it. People were saying things about me, about my dancing, they also said stuff about my body, and my face,” sey niya sa interview ng Metro.Style.

Matatandaang sumikat sa Pilipinas si AC pagkatapos nilang magwagii ng ka-partner sa dance reality show ng ABS-CBN na “Dance Kids.”

Isa nga raw sa mga pinakapinupuna sa kaniya ay ang pagiging payat niya.

“At one point I hated myself, I hated my body, I hated the way I dance, I hated everything. I wanted to stop so badly and I was crying every single night and nobody knows this,” kuwento pa niya.

Ngayon daw, may konsepto na siya ng self-love at alam na niya kung paano isnabin ang mga komento ng mga taong hindi siya gusto.

“At one point I finally was like ‘Okay, what are they gonna do?’ I can easily not look at them or remember how I have this whole other side of people who are supporting me,” sabi pa niya.

“I would cry to my mom multiple nights. She’s like, ‘Ano ka ba? Ang ganda-ganda mo, AC.’ It’s always my mom and my ACnatics who always kept me going. I’ve totally used those words to encourage myself, like ‘oh my gosh, you’re too skinny.’ I’ll be like, ‘Okay, thank you, what am I gonna do about it?’ I get it, I’m skinny, that’s how I’m gonna be. And if you can’t accept it then you just can’t accept it, I can accept it,’” kwento ni AC.

Regular ding nagpapakitang-gilas sa “ASAP Natin ‘To” dance floor si AC at umaasa siyang matupad ang kanyang pangarap na makasama sa isang dance number si Mr. Pure Energy Gary V at Sarah Geronimo. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.