Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aby kengkoy sa TikTok

0 138

HINDI pa man nakakapaglaro ulit nang sama-sama sa loob ng court, muli namang nakapiling ni Philippine SuperLiga star Aby Maraño ang kanyang F2 Logistics Cargo Movers teammates.

Kasama sina middle blocker Majoy Baron, opposite skipper Kianna Dy at open hitter Ara Galang, makikitang puno ng kasiyahan ang kanilang pagtatagpo.

Ibinahagi rin ng beteranang balibolista sa kanyang Twitter ang paggiling ng mga ito para sa isang TikTok video.

“Kengkoy night @KiannaDy @majoybaron @vsgalang, ” sey pa ni Maraño na team captain ng koponan.

Hindi pa rin bumabalik ang mga laro sa PSL mula nang mahinto noong Marso dahil sa pandemic coronavirus. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.