Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aby gumiling

0 765

DOBLE saya ang hatid ni volleybelle Aby Marano sa mga na-stranded na OFW at ilang balikbayan dahil bukod sa pagbibigay suporta ay may libre pa itong ‘budots’ dance.

Sa Instagram story ni F2 Logistic Cargo Mover star Marano, makikitang todo-sayaw ito ng budots para aliwin ang mga LSI (locally stranded individual) sa Philippine Army Gym.

“Salamat sa walang humpay na pag-entertain sa ating mga LSI para naman maibsan ang pangungulila at kalungkutang hindi pa sila makauwi,” caption ng 27-anyos na balibolista na nagpasalamat din sa kanyang mga nakasama sa nasabing programa.

Nabatid na bukod kay Aby ay kabilang din sa mga atletang tumutulong si volleybelle Jovelyn Gonzaga na nakadestino sa nabanggit ding shelter at nagsisilbing frontliner. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.