Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aby, F2 Logistics armado sa PVL

0 168

WALANG humpay na sa pagpapalakas para sa nalalapit na Premier Volleyball League season si volleyball star Aby Marano ng F2 Logistics Cargo Movers.

Ipinasilip ni Marano sa kanyang Instagram stories ang kanyang patuloy na pagpapakondisyon kahit nasa loob ng bahay.

“My life mantra this year is when life gives you pain, go to the gym,” sey ni Aby. “17kgs lang muna walang spotter eh.”

Wika pa ng veteran middle blocker, “preparing for PVL @f2cargomovers.”

Matatandaan nagkampeon ang Cargo Movers, lumiban sa 2021 PVL Open Conference, sa ginanap na Philippine National Volleyball Federation Champions League noong Nobyembre.

Inaasahan namang aaksiyon na ngayong season ang Cargo Movers sa PVL na tinitignang simulan ang panibagong Open Conference sa Pebrero 16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.