Una sa Balita

Abusadong barangay chairman poposasan ni Isko

0 326

By Juliet de Loza-Cudia

MAY pagkakalagyan kay Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga abusasong opisyal ng barangay na nangongotong at nananamantala sa mga street vendor at pedicab driver sa Lungsod ng Maynila.

Kasabay nito, inatasan ni Moreno ang Manila Police District (MPD) na panatilihing madadaanan ng mga motorista at sibilyan ang Recto, Juan Luna at Soler.

Tiniyak naman ni Moreno na patuloy na makakapagtinda ang mga vendor pero dapat na sumunod sila sa regulasyon, itinakda ng batas.

Ayon pa kay Moreno, iisyuhan nila ng babala ang lahat ng barangay official na markadong nangongotong sa maliliit na manininda at sidecar boy.

“Itigil niyo na po ‘yan. I have no choice but to arrest you and poposasan namin kayo. Hindi po namin hahayaan sa bagong gobyerno ng Lungsod ng Maynila na panonoorin ko na lamang ang pang-aabuso ninyo.”

“Aarestuhin namin kung sino man ang manggigipit sa taumbayan sa Lungsod ng Maynila,” ayon pa kay Moreno.

Hindi umano papayag si Moreno na panoorin na lamang ang ginagawang pang-aabuso sa maliliit na vendor at sidecar boys sa Maynila.

Inalis rin ni Moreno ang pangamba ng mga vendor at sidecar boy laban sa mga abusadong chairman na nang-aargabyado sa kanila matapos niyang tiyakin na aarestuhin ang mga kotongero na chairman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy