Una sa Balita

Aburido sa buhay, nagpakamatay

By
0 286

DAHIL sa hindi makayanang problema, nagpasyang wakasan ng isang lalaki ang kanyang buhay nang magbigti sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Hindi na naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan si Andro Jeff del Prado, 26-anyos, naninirahan sa No. 53 Bagong Kaunlaran, Brgy. Paso de Blas ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Me­lanie Del Prado, ate ni Andro Jeff, bandang alas-6:30 nang gabi nang pumasok siya ng banyo para umihi.

Napasigaw na lamang siya nang tumambad ang kapatid na nakabitin sa kisame ng banyo na wala nang malay.

Kaagad itong humi­ngi ng tulong sa mga kapitbahay at ibi­naba sa pagkakabigti si Andro Jeff.

Sa pagsusuri ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), gumamit ng extension chord ang biktima na itinali sa wooden beam ng kisame ng banyo saka ipinulupot sa leeg.

Ayon kay Melanie, nitong mga huling araw lagi daw walang kibo at aburido ang kapatid dahil walang pirmihang trabaho na sinundan pa ng madalas nilang pag-aaway ng kanyang live-in partner. (Orlan Linde)