Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva uusok uli sa Magnolia

0 176

Semis Game 1 sa Miyerkoles: (MOA Arena)

3:00pm – Meralco vs Magnolia

6:00pm – NLEX vs Ginebra

TAPON na sa bintana ang seeding sa semifinals ng PBA Governors Cup umpisa sa Miyerkoles sa MOA Arena sa double-header ng Meralco-Magnolia at NLEX-Ginebra.

No. 1 pagkatapos ng eliminations ang Hotshots, No. 4 ang Bolts. Sa isang bigwasan lang nila dinaan ang Phoenix at San Miguel Beer para pumalaot sa Final Four.

Wala nang twice-to-beat, best-of-five na ang series.

Mahalaga ang makauna.

Parehong defense-minded sina coaches Chito Victolero ng Hotshots at Norman Black ng Bolts kaya asahan ang dikdikan at low-scoring ballgame.

Naglubay si Meralco import Tony Bishop sa dulo ng eliminations pero muling bumangis kontra SMB sa quarters nang magsumite ng 32 points, 15 rebounds.

Solido rina ng counterpart niya sa Magnolia na si Mike Harris.

Magkakatalo sa suporta ng locals.

Nasa kampo ni Victolero sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Jio Jalalona at nakabalik na mula injury na si Calvin Abueva.

Inaasahang mas magiging mabagsik ang Hotshots sa balik-akisyon ni Philippine Cup Best Player of the Conference Abueva.

Pipiga si Black kina Chris Newsome, Cliff Hodge, Allein Maliksi at Chris Banchero. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.