Una sa Balita

Abueva sideline muna sa resto

0 431

MALA-CHEF ang dati­ngan ni Phoenix guard Calvin Abueva nang maispatan itong nagluluto sa kanyang sariling resto na ‘Dampa ni The Beast’.

Kahit na suspended si ‘The Beast’ dahil sa mga isyung kinasangku­tan ay sulit naman ang kanyang bakasyon dahil­ pokus muna ang 31-anyos na basketbolista sa kanyang negosyo.

Marami naman sa mga fan ang nagpaabot ng pagbati sa tinayong negosyo ng kanilang lodi at interesado ring matikman ang putahe nito sa resto.

“One of these days… Kahit dito pa ko cavite manggaling. Sana makapagpapicture din sau. @abuevacalvinthebeast… A huge fan of yours hehe,” sabi ni netizen @janeshie0096.

“Congrats sa bagong business mo @abuevacalvinthebeast! Sana maging successful,” tweet naman ni @royafable21.

“@abuevacalvinthebeast idol meron bang delivery dito sa Cebu?” hirit ni @gelouthelefty07.

Ang ‘Dampa ni The Beast’ ay nasa Blumentrit, San Juan at bukas ito sa mga interesadong kumain hanggang alas-dos ng madaling-araw.
(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More