Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva sapol ng groin injury

0 97

Mga Laro sa Linggo: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Converge vs Rain Or Shine
6:30pm — Magnolia vs TNT

ILANG araw bago magbukas ang ika-47 season ng Philippine Basketball Association (PBA) ay handa nang sumabak ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots kontra TNT Tropang Giga sa darating na Linggo na magsisilbing All-Filipino Cup Finals rematch ng dalawang koponan.

Si coach Chito Victolero, sinabing kuntento sa kanilang preparasyon sa panibagong PBA season.

“Ako satisfied naman sa overall preparations namin. I think nagawa naman namin mga gusto naming gawin,” sey ng one-time Coach of the Year awardee. “Naka-tatlong tuneup kami and okay naman itinatakbo. Fine-tuning na lang and right now nandoon na kami, preparation for the game on Sunday.”

Tanging concern ni Victolero na makabalik na sa 100 porsiyento ang MVP contender na si Calvin Abueva, na hindi pa nakakalahok sa mga nagdaang practice dahil sa natamong groin inury.”

“Si Calvin na-injure last week, groin. Nag-start ulit mag-work out kanina and medyo okay na. Siguro by Thursday baka makasabay na. Si Rome (dela Rosa) yesterday nakasabay na rin. Si James (Laput) na-injure din sa tuneup namin against Converge pero nakasabay na rin sa amin kahapon,” detalye ni Victolero.

“I think this Thursday or Friday baka maka-kumpleto na kami para for Sunday’s game. Makumpleto lang kami okay na siguro.”

Isa si Abueva sa mga pinagpipilian para sa Most Valuable Player (MVP) award sa nagdaang ika-46 season kabilang sina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra, Mikey Williams ng TNT at Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.