Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva, Sangalang dinalaw si Pascual

0 132

WALANG iwanan!

Ganito ang ipinaramdam nina PBA star Ian Sangalang at Calvin Abueva sa tropang ex-pro na si Ronald Pascual nang personal nila itong dalawin.

Makikita sa IG post ni Magnolia Hotshot forward Sangalang na nagkita-kita silang mga tubong Pampanga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pinatubo Trio!” caption ni 28-anyos cager Ian sa reunion ng tatlo.

Magugunitang dumaan sa matinding kalungkutan si Ronald kung saan ngayon ay nakakabangon na sa pinagdaanan kapiling ang kanyang pamilya.

Kasabay nito ay ipinaramdam din ng dating katropang sina Abueva at Sangalang ang pagmamahal nila at suporta.

Ang tatlo ay magkakasama noong naglalaro sa NCAA sa San Sebastian. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.