Una sa Balita

Abueva namanata sa Traslacion

0 297

NAISPATAN ng mga deboto ang Phoenix Fuel Masters star na si Calvin Abueva sa Traslacion ng Itim na Nazareno nitong Huwebes.

Sa Instagram story ng suspendidong PBA player, binahagi nito ang ilang mga la­rawan ng pamamanata niya sa Poong Itim na Nazareno.

Pinakita ni Abueva ang kanyang paa na madungis bunsod ng pagpunta sa Quiapo para makiisa sa debosyon.

Sa isang larawan naman ni Alvin Aringo, makikita na nakisiksik din si Abueva sa dagsa ng tao na gustong makalapit at makahawak sa Itim na Nazareno.

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung kailan makababalik si Abueva sa PBA, ngunit pinayagan na itong muling sumalang sa praktis ng Fuel Masters. (RPatriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More