Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva, Magnolia totodasin Meralco

0 77

Semis Game 6 ngayon: (DHVSU, Bacolor)

3:00pm — TNT vs SMB

6:00pm — Magnolia vs Meralco

(TNT, Magnolia lead series 3-2)

MAY natitira pang dalawang pagkakataon ang Magnolia Hotshots upang idispatsa ang Meralco Bolts at tuluyang sumampa sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Balik sa hard court ang frontrunner para sa Best Player of the Conference award na si Calvin Abueva at ang Hotshots sa Game 6 ng kanilang best-of-seven semifinals series sa main game alas-6 ngayong gabi sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga.

Related Posts

Nagsalpak ng 7-of-8 sa three point area si Allein Maliksi tungo sa 29 puntos upang ihirit ang Bolts sa Game 5 ng serye, 102-98, nitong Miyerkoles upang manatiling humihinga sa serye.

Gayunman, mayroong fractured cheekbone si Maliksi at ayon kay Meralco coach Norman Black, game time decision ito sa Game 6.

Katuwang ni Maliksi si Nard John Pinto na umariba ng career-high 24 points kasahog ang 5 boards, 2 assists at isang agaw para sa Meralco na hihirit ng do-or-die game 7.

Kapos ang 19 puntos, 8 rebounds at 6 dimes ni Abueva kaya pipilitin muli nitong magpasiklab upang tulungan ang Magnolia umabante na sa finals ng All-Filipino Conference.

Samantala, pakay rin ng TNT Tropang Giga na tapusin na ang sariling best-of-seven series kontra San Miguel Beermen sa unang laro ganap na alas-3 ng hapon.

Dinurog ng Tropang Giga ang Beermen, 110-90, sa Game 5 nitong Miyerkoles sa likod ng 19 markers ni Asia’s Best Point Guard Jayson Castro para kunin ang 3-2 bentahe sa serye. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.