Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva, Magnolia puputulan Meralco

0 120

Semis Game 5 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
6:0pm — Meralco vs Magnolia (Serye tabla, 2-2)

ISANG kikig pa sa Meralco at Magnolia, madedesisyunan ang makakatapat ng Ginebra sa finals ng PBA Governors Cup.

Nagising sina Paul Lee at Calvin Abueva, balik-angas si Mike Harris, at itinakbo ng Hotshots ang Game 4 noong Miyerkoles, 94-73.

Taya pati pato’t panggulo sa winner-take-all Game 5 ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nabusalan ang Bolts sa lowest output ngayong season, asahan ang muling pagbuga ng mga armas nina Chris Newsome, Chris Banchero, Tony Bishop.

Overall ay 26 of 73 lang sa field ang Meralco, maliban sa 11 ni Newsome ay wala nang nakaayuda ng double digits sa 22 ni Bishop.

Sa kabila, may ankle injury si Lee pero tumapos ng 17 markers. May stat line na 11-8-3 si Abueva, dambulahang 34-18 kay Harris.

“No more tomorrow, that’s the mentality going in,” deklarasyon ni Hotshots coach Chito Victolero.

Nauna sa finals ang defending champion Ginebra matapos kalusin ang NLEX 3-1 sa hiwalay nilang serye, huli ang 112-93 noon ding Miyerkoles. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.