Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva, Magnolia naputol momentum

0 210

Pinaplantsa na ng Magnolia, sa pangunguna ni team manager Alvin Patrimonio, ang tutuluyan ng team sa Pampanga kapag natuloy ang mga laro sa lalawigan.

Tatlong linggo ring suspendido ang mg laro ng PBA Philippine Cup.

Bago natigil noong Aug. 4, Hotshots ang pinakamainit sa 4-0 start.

Aminado si coach Chito Victolero na medyo humupa ang momentum nina Calvin Abueva, Paul Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca pero tiwala siyang maibbabalik din agad.

“’Yung timing, in a few days makukuha din naman ‘yan,” aniya. “Kung matutuloy plano ng PBA, at least nagpahinga lang ng more than three weeks.”

Hindi na raw ganun kalaki ang hahabulin ng teams sa pagpapakondisyon.

Kagandahan, napabalitang bibigyan ng hanggang isang linggong ensayo ang teams para magpagpag ng kalawang bago ang resumption.

Araw-araw daw ang online workouts ng Hotshots kaya hindi nawala sa ritmo. ‘Yung iba, pagkatapos sa umaga ay may sundot pa sa hapon. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.