Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva mabagsik ‘pag walang saltik

0 96

Mga Laro Bukas: (Araneta Coliseum)
3:00pm — Rain Or Shine vs Meralco
6:00pm — Terrafirma vs Ginebra

MALAKING bagay si Calvin Abueva sa Magnolia Chicken Timplados.

Pagbalik mula suspension (unsportsmanlike conduct), kayod agad ang The Beast para tulungan ang Hotshots sa 87-73 win kontra NLEX noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Inakbayan ng Magnolia ang Road Warriors sa 4-3 sa 5th-6th ng PBA Philippine Cup.

Pinagmulta rin si Abueva ng P10,000 dahil sa insidente kontra Ginebra noong June 19.

Naiwan ng hanggang 15 ang Hotshots, bumomba ng 33-point third quarter para agawin ang panalo.

Pinuno ni Calvin ang stat sheet sa isinumiteng 8 points, 5 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 block sa loob ng 27 minutes.

“Maganda ‘yung energy na naibibigay niya sa amin,” ani coach Chito Victolero sa do-it-all forward. “‘Yung mga wala sa stats, hustle points.”

Umiwas magpa-interview si Abueva.

“Moving forward na tayo,” tanging sabi niya, tuloy-tuloy ang lakad. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.