Una sa Balita

Abueva inspired kay Vice Ganda

0 483

mark-herrera-mark-my-wordInspired nga marahil si Calvin Abueva at dedma lang ito sa mga hindi kagandahang tsika sa kanila ni Vice Ganda na nagsalita nang walang “deeper something” sa kanila, maliban sa good friendship.

“They can think and say whatever they want. I just wanna have fun in playing basketball,” sey nito, kung saan isa siya sa mga best reliable ng Phoenix team si Abueva.

Kung sakali mang papasok sa finals ang kanyang team, mas dapat daw nating asahan ang suporta ni Vice Ganda na kilalang nag-si-share ng blessings to inspire the other players.

Yun o!

***

Noong makahuntahan ko si Buboy Fernandez, during Albay Congressman Joey Salceda’s birthday bash, sinabi nitong malaki ang kinalaman ni Sen. Manny Pacquiao sa pagtakbo niya bilang Vice Mayor ng Polangui, Albay.

“Siyempre siya yung boss talaga natin. Kaila­ngang may sasabihin siya sa desisyon natin,” saad ni Buboy, na dating Konsehal ng naturang bayan.

Nakapag-asawa ng Bikolana ang best friend at long time personal assistant ni Pacman at dahil halos mas madali daw niyang puntahan ang Bicol (tubong GenSan si Buboy), dun na raw sila nagpatayo ng bahay at mga negosyo.

“Bicolano na rin ako at heart at gusto kong makatulong lalo na sa sports development dito,” aniya pa.

***

Samantala, dahil nakuha ni Nonito Donaire ang kanyang kauna-unahang World Boxing Association (WBA) bantamweight title, dream nitong matawag na “undisputed champion.”

Matapos nga niyang maitala ang 4th-round TKO win laban kay Ryan Burnett sa SSE Hydro sa Glasgow, Scotland, ay susubukan naman ng Pinoy champion boxer ang iba pang division.

Medyo matagal-tagal ding panahon na hindi “victorious” ang balita kay Nonito na nagkakaedad na din, kaya’t nag-ikot talaga ito for new promo­ters ng boxing para magkaroon pa siya ng iba o maraming laban.

Sa susunod niyang sabak ay si reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight titleholder Zolani Tete ng South Africa  ang kanyang puntiryang mapatumba sa semifinals ng World Boxing Super Series (WBSS).

Noong huli kong makapanayam si Donaire, parang na-mention nito sa akin na plano nga niyang sumubok sa ibang divisions at mukhang nagkakatotoo na ito. Sarado din ang loob niya sa usaping politika dahil hindi naman daw yun ang para sa kanya.