Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva, Hotshots huhugot ng milagro

0 281

Finals Game 5 ngayon: (DHVSU, Bacolor)

6:00pm – Magnolia vs TNT

(Tropang Giga lead series 3-1)

HINDI nakumpleto ang selebrasyon ni Magnolia forward Calvin Abueva sa Game 4 ng PBA Philippine Cup Finals sa Bacolor, Pampanga.

Tinanggap ng The Beast ang pangalawa niyang Best Player of the Conference award mula kay commissioner Willie Marcial bago ang tipoff sa Don Honorio Ventura State University gym.

Pagkatapos ng 48 minutes, laglag-balikat na sumadsad sa 106-89 loss ang Hotshots kontra TNT.

Kinapos ang game-high 28 points ni Abueva, nalubog sa 3-1 deficit ang Magnolia.

Kung hindi makakagawa ng milagro para bumalikwas ang team ni coach Chito Victolero, madidiskaril muli ang paghahabol sa all-Filipino crown.

Do-or-die ang Magnolia sa Game 5 ngayon, pupuwersahin ang panalo para humirit ng Game 6 sa Linggo.

Kinamada ni Ian Sangalang ang 13 sa kanyang 17 points sa second half, nilista ni Mark Barroca sa fourth quarter ang 10 sa kanyang 13 points, pero masyado nang malaki ang hinabol na 68-43 deficit ng Hotshots sa third.

May 15 points si Paul Lee pero hindi nakapag-deliver sa fourth.

Sa kabila, tahimik na nagsalansan ng 26 points si rookie Mikey Williams sa kanyang 30th birthday. Mula sa labas ng arc ay 6 for 11 si Williams, runner-up kay Abueva sa BPC voting. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.