Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abueva atat sa bagong korona

0 52

KAHAPON ang unang ensayo ni Calvin Abueva sa bago niyang team na Magnolia.

Bawal pa ang 5-on-5 scrimmages, inat-inat muna sa gym.

Dumating sa Hotshots ang The Beast noong nakaraang linggo mula Phoenix kapalit ni Chris Banchero.

“Sobrang excited,” sabi ni Abueva sa The Game.

Sa Magnolia raw hahabulin ni Calvin ang mailap na kampeonato.

Pitong taon na nang itaas ni Abueva ang kaisa-isang titulo habang nasa Alaska pa – ang 2013 Commissioner’s Cup.

“’Eto na siguro ‘yung pagkakataon na makakuha ulit ako ng championship,” dagdag ng 33-year-old.

Kasama niyang maghahabol ang dating kasangga noong college at kababayang si Ian Sangalang.

“Championship team ito, hindi mo puwedeng bale-walain. Buhos ko talaga lahat para sa team na ‘to,” dagdag pa ng do-it-all forward.

Sina Abueva, Sangalang at Ronald Pascual ang binansagang Pinatubo Trio ng San Sebastian Stags na nanalasa noon sa NCAA, sa ilalim ng dating coach ni Calvin sa Fuel Masters na si Topex Robinson. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.