Una sa Balita

Abu Sayyaf sub-leader tiklo sa QC

0 350

INARESTO ng mga pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang hinihinalang sub-leader ng Abu Sayyaf group (ASG) sa operasyon na ginawa sa Quezon City.

Sa ginawang press briefing kahapon, sinabi ni Quezon City Police District chief Police Col. Ronnie Montejo na naaresto si Ibrahim Lambog Mullo, 26-anyos, sa Brgy. Batasan Hills dakong alas-siyete nang gabi noong Setyembre 27.

Nakuha kay Mullo ang hindi lisensyadong .45 pistol at sling bag na may mga lamang granada.

Ayon kay Montejo, kabilang si Mullo sa tatlong miyembro ng terror group na nasa ilalim ng surveillance ng pulisya sa Metro Manila. Dagdag­ pa nito, ang dalawang iba pa ay naaresto na noong Hulyo.

Tinanggi naman ni Mullo na sub-leader ito ng ASG at sinabing nagpunta ito sa Kamaynilaan upang mamuhay ng normal at malayo sa teroristang grupo.

Lumipat umano ito sa nasabing lungsod upang puntahan ang asawa na kapapanganak pa lang, kasaluku­yan umano siyang nagtatrabaho sa isang housing project sa Bulacan.

Batay naman sa pulisya, na-recruit si Mullo ng ASG sub-group na Ajang-Ajang gamit ang social media noong 2017 habang ito ay nasa Zamboanga City. Nakasama umano ito sa operasyon ng grupo sa Patikul, Sulu.

Mahaharap si Mullo sa kasong pag­labag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA 9516 o Unlawful and Illegal Possession of Explosive. (Dolly Cabreza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More