Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abu Sayyaf member utas sa Basilan

0 138

Napatay ng puwersa ng pamahalaan ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa ginawang pagsalakay sa Basilan.

Ayon kay Lt. Gen Corleto Vinluan Jr., commander of the Western Mindanao Command (Westmincom), kinilala ang nasawing si Hasid Salajim, mula sa raid sa Brgy. Etub-Etub, Sumisip, alas-5:30 ng umaga nitong Biyernes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpaputok diumano si Salajim sa mga trpa ng pamahlaan na napilitan umanong paputukan din ang suspek na nagresulta sa pagkamatay nito. Narekober sa kanya ang M-16 armalite rifle.

Sinabi naman ni Col. Domingo Gobway, Joint Task Force Basilan commander, na tagasunod si Salajim ni ASG sub-leader Pasil Bayali, at ika-7 ASG member na napatay ng pamahalaan simula noong Enero.

Dagdag ni Gobway, may 28 na ASG member na ang sumuko, habang 2 ang nasakote.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.