Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abu Sayyaf member timbog sa QC

0 45

TIMBOG ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Quezon City.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang suspek na si Albazir Abdulla.

Inaresto si Abdulla sa pamamagitan ng arrest warrant na hiniling ng National Bureau of Investigation.

Nahaharap ang nadakip sa kasong kidnapping kaugnay sa insidente sa Golden Harvest Plantation sa Basilan noong 2001.

Itinanggi naman ni Abdulla na kasama siya ng ASG.

Sinabi naman ni NBI counter terrorism division chief Atty. Gregorio Zuñiga na may mga ebidensya sila na talagang ASG ito. (Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.