Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abu Sayyaf member na gun smuggler utas sa Sulu

0 81

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot din sa gun smuggling matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Buton, Brgy Kansipat, Panamao, Sulu.

Sa inilabas na statement ni PNP chief General Debold Sinas, kinilala ng nasawing suspek na si Wahid Sahid, kabilang sa grupo ni ASG sub-leader Almujir Yadah at miyembro din ng isang private armed group na nag-ooperate sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Sulu.

Konektado din umano si Sahid sa smuggling ng mga high powered firearm na kanyang isinu-supply sa mga ASG kidnap for ransom group sa Zamboanga City at Sulu.

Nitong Sabado ng umaga kinasa ang operason laban kay Sahid kung saan kumuha ang police poseur buyer ng mataas na kalibre ng baril sa suspek.

Matapos ang transaksyon ay inihudyat ng poseur buyer ang pag-aresto sa suspek subalit imbes na sumuko nang maayos ay pinaulanan nito ng kanyang M14 armalite rifle ang awtoridad na gumanti naman ng putok dahilan ng kanyang kamatayan.

Base pa sa impormasyon, napigilan ng pulisya ang planong pagdukot ng grupo ng suspek sa isang prominenteng tao sa Zamboanga City kung saan ito na-monitor na minamanmanan ang kilos ng kanyang target na kidnapin.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang M14 armalite rifle, mga magazine at mga bala nito, isang M203 grenade launcher, at dalawang 40 mm nab ala nito; isang 5.56 kalibre ng baril, mga magazine at bala nito. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.