Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Abu Sayyaf lider tigok sa bakbakan

0 183

Patay ang hinihinalang Abu Sayyaf subleader kasunod matapos ang engkuwentro sa mga sundalo sa Sulu kahapon, ayon sa Philippine Military.

Sinabi ng Armed Forces Western Mindanao Command na ito ang unang insidente ng engkuwentro sa Panamao.

Sinabi ni WestMinCom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., na nagsagawa ang mga sundalo mula sa Marine Battalion Landing Team-1 ng combat operations sa Barangay Kawasan nang makaengkuwentro ang mga Abu Sayyaf sa pangunguna ng subleader na si Hatib Munap Binda.

Tumagal ang bakbakan ng 30 minuto bago tumakas ang mga rebelde at naiwan ang bangkay ni Binda pati na M16 rifle at M14 rifle.

Si Binda ay senior leader ng terror group na siyang kumikilos sa Kalingalan Caluang at Panamao, Sulu. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.