Una sa Balita

Absentee voting sa Japan, SoKor, Australia nilangaw

0 245

SINISISI ng isang grupo ng mga overseas Filipino worker ang matumal na takbo ng overseas absentee voting sa Japan, South Korea, at Australia na nagsimula kahapon dahil sa bagong patakaran na si­ngilin sa kanila ang mga postal stamp na gagamitin sa pagpapadala ng kanilang mga balota sa embahada para masama sa bilangan.

“Lokohan ba ito, o sadyang ayaw bilangin ang boto ng mga OFW,” sabi ng Migrante.

Ayon sa Migrante, maaari silang bumoto nang personal o magpadala ng boto sa Japan kaya dumami ang bilang ng mga nakaboto. Ngayon, postal voting na lamang ang gagawin at sa kanila pa sisingilin ang pambayad sa selyo.

“Mariing tinututulan ng Migrante Japan ang desisyong ito…Hindi simpleng halaga ang pinag-uusapan dito kundi ang kawalan ng respeto at pagkilala sa aming mga OFW. Sa laki ng aming mga bayarin sa gobyerno at taunang remittance sa bansa, pati ba naman postal stamp ipakakarga pa rin sa amin,” sabi ng grupo.

Sa pagtataya ng grupo, humigit kumulang sa 80,000 ang rehistradong botanteng Pinoy sa Japan.

“Ito ay pang-iinsulto sa aming patriyotismo. Malayo man kami sa Pilipinas, nananatili ang aming ha­ngarin na makapaglingkod sa bayan at gampanan ang aming tungkulin bilang mamamayan…Hindi ito ang pagbabago na hinahangad namin,” dagdag pa ng Migrante. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy