Una sa Balita

Absalon, FEU-Diliman sinipa ang DLS-Zobel

0 654

PINAMUNUAN ni Kieth Absalon ang atake ng Far Eastern University-Diliman upang ilampaso ang De La Salle-Zobel, 9-0, at iayos ang UAAP Season 81 juniors football finals showdown kontra National University sa Linggo.

Pinatalsik ng Baby Tamaraws ang Bullpups sa tuktok matapos irehistro ang 17 points.

Tinapos ng NU ang elimination round na tangan ang 16 points at nalaglag sa second place matapos ang goalless draw kontra University of Santo Tomas na ginanap sa FEU-Diliman pitch.

Target ng Bullpups ang unang championship title.

Umiskor sina Pocholo ­Bugas at Kart Talaroc nang dalawang beses habang nakapagdeliber din sina Marc Tobias at Andrei Sabejoh para sa Baby Tamaraws.

Puntirya ang record ninth straight title, haharapin ng FEU-Diliman ang NU sa one-game final, pero wala pang iskedyul.

Nakapagtala ang Tiger Cubs ng limang puntos habang wala pang puntos ang Junior Archers.

Sa Linggo ang huling elimination round matchday, magtatapat ang UST at De La Salle-Zobel sa ala-1:00 ng hapon habang magkakaldagan ang FEU-Diliman at Ateneo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy