Una sa Balita

ABS-CBN walang sinuway na batas sa apat na ahensya ng gobyerno

0 782

HINDI nakagawa ng anumang paglabag ang ABS-CBN Corp. sa apat na ahensya ng ­gobyerno kaya dapat ma-renew agad ang prangkisa ng ABS-CBN ­television ­network sa lalong ­madaling panahon.

Ito ang lumabas sa hearing nitong Lunes sa Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe kung saan ay sinang-ayunan din ng nakakaraming ­senador.

Hindi nilabag ng ABS-CBN ang anumang batas sa korporasyon at r­egular na nagbabayad ng ­buwis nito sa mga nakaraang taon, ito ang sinabi ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa hearing.

“Regular silang nagsasampa at nagbabayad ng kanilang mga buwis sa nakaraang bilang ng mga taon,” sinabi ni Simplicio Cabantac, Jr., pinuno ng isang yunit sa BIR.

Sinabi ng Pangulo ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak na hiwalay na binayaran ng kompanya ang 8.859 bilyon pisong buwis na ipinigil sa mga empleyado nito mula 2009 hanggang 2018.

Ayon naman sa ­kinatawan ng Securities and Exchange ­Commission (SEC) ay nagsabi na ang ­network ay sumusunod sa mga regulasyon, ­taliwas sa mga paratang na ­isinampa laban sa ­kompanya ng media.

Kinumpirma rin ni Justice ­Secretary ­Me­nardo Guevarra, Lunes, na maaaring pagkalooban ng ­provisional ­authority ng ­National ­Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN upang makapagpatuloy ng ­operasyon.

“Puwedeng i-authorize ng Kongreso ang NTC, sa pamamagitan ng concurrent ­resolution, para maglabas ng ­provisional authority… sa ABS-CBN at iba pang entities, para payagan ­silang mag-operate,” sabi ni Guevarra.

Bukod dito, sinabi rin niyang sa ika-4 ng Mayo pa talaga ang expiration ng prangkisa at hindi sa ika-30 ng Marso.

Hindi umano maa­aring mag-isyu ng ­ope­rating permit ang NTC sa ABS-CBN ­Corporation sa oras na mapaso ang prangkisa nito sa ­Marso 30, ito ang ­sinabi ni Senate Minority ­Leader Franklin Drilon.

Samantala, ­inihiyag ng mga opisyales mula sa Department of ­Labor and Employment na wala ring nilabag na ­labor laws ang ­Kapamilya ­network at nag-papasuweldo ang kompanya ng tama sa mga ­kawani nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More