Una sa Balita

ABS-CBN, wagi ng 2 Bronze Stevie Awards

By
0 1

Wagi ulit ang ABS-CBN sa katatapos lang na 3rd Asia Pacific Stevie Awards. Nakuha nito ang dalawang BRONZE Stevie® Awards para sa ABS-CBN TVplus, ang kauna-unahang di­gital television service sa Pilipinas, para sa pro­duct innovation at sa pagiging una nitong klaseng serbisyo na para sa mamamayan.

Ang ABS-CBN TVplus ay nagwagi sa Best in New Product Innovation and Bronze Stevie for Best in Branded Development na mga ka­tegorya.

Tinuturing pinakamalaking innovation sa Pilipinas ang ABS-CBN TVplus dahil sa kakaibang TV viewing experience nitong handog sa Pilipino tulad ng ang malinaw na picture and at tunog, at dagdag na premium channels para sa bawa’t miyembro ng pamilya.

Ang ABS-CBN TVplus ay nag eere ng free-to-air channels tulad ng ABS-CBN at ABS-CBN Sports +Action at apat ng premium channels tulad ng CineMo!, YeY!, Knowledge Channel, at DZMM Teleradyo.

Ang serbisyong ito ay maaaring ma-enjoy kung saan mayroong digital signal transmission tulad ng Metro Manila, Rizal Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, at Metro Cebu. Pinapalawak na rin ito sa Davao, Iloilo, Bacolod, at Cagayan de Oro.

Mapapanood din sa ABS-CBN TVplus ang Funny Ka, Pare Ko, ang kauna-unahang sitcom gag-show sa Pili[pinas na ipinapalabas sa Cine­Mo! Channel, na bida sina Bayani Agbayani at Karla Estrada.

Nandiyan pa ang Kapamilya Box Office, ang makabagong all-movie channel kung saan mapapanood ang latest Star Cinema movies, tele­serye marathons at iba pang specials.

Bago pa man ang tagumpay na ito, nanalo na rin ang ABS-CBN mula sa iba’t ibang prestigious award giving bodies. Nakamit nito ang Anvil Award sa Special Events category sa 51st Anvil Awards para sa ABS-CBN TVplus launch, ang Quill Excellence Award for Marketing, Advertising, and Brand Communication sa 2015 Philippine Quill Awards, at marami pang iba.