Una sa Balita

ABS-CBN tuloy ang laban sa 2020 — Carlo Katigbak

0 2,801

Patuloy na pinag-uusapan ng maraming tao, mapa-social media o saan mang lugar, ang sinasabing pagsa-shutdown ng ABS-CBN sa darating na 2020.

Ilang tulog na lang din kasi ay 2020 na kaya marami talaga ang nangangamba kung ano ang mangyayari at paano aaksyunan ito ng ABS-CBN.

Nitong Biyernes nga ay ipinagdiwang ng Kapamilya network ang kanilang Christmas party at doon nagkaroon din ng pagkakataon ang Chairman na si Mark Lopez at President na si Carlo Katigbak na magbitaw ng mensahe na may kinalaman sa isyung kinasasangkutan ng kanilang kompanya.

“Mag-recharge kayo kasi pagbalik ng 2020, marami tayong gagawin,” ani Lopez sa kanyang speech.

“Dito sa ABS-CBN, family is forever, tuloy ang laban,” pahayag naman ni Katigbak.

Dahil sa naging mensahe ng dalawang admin ng naturang network, nabuhayan ang mga fan na sumusuporta sa ABS-CBN.

Napaisip naman ang mga netizen kung paano ang laban na kanilang gagawin, pero inaasahan anila ng mga netizen ang matatag na pagsasamahan ng bawat isang bumubuo ng network. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy