Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN tinokhang – De Lima

0 341

Isinalarawan ni Senadora Leila de Lima na isang pagtokhang ang ginawang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Tinokhang. Ganito ang ginawa sa pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN. Walang laban, walang katarungan, walang konsensya!” tweet ng senadora nitong Sabado.

Noong Biyernes bumoto ang mga kongresista sa joint hearing ng Legislative Franchises Committee at Good Government and Public Accountability Committee ukol sa pag-deny sa pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya network.

Sa botohan, 70 ang bumoto ng “yes” para i-deny ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, habang 11 naman ang bumoto ng “no”, dalawa ang nag-inhibit at isa naman ang nag-abstain. (IS)

https://twitter.com/SenLeiladeLima/status/1281762148905963520

Leave A Reply

Your email address will not be published.