Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ABS-CBN suportado si Liza vs Converge employee

0 187

Isandaang porsiyento ang suporta na ibinigay ng ABS-CBN kay Liza Soberano laban sa empleyado ng Converge na nagsabi na ‘sarap ipa-rape’ ang magandang aktres.

Agad ngang naglabas ng mensahe ang Kapamilya channel bilang suporta kay Liza. Heto nga ang kanilang mensahe:

“Suportado ng ABS-CBN at Star Magic ang hakbang ni Liza Soberano na magsampa ng reklamong libel, threats, at unjust vexation sa Office of the City Prosecutor laban sa taong nag-post ng mapanirang komento tungkol sa kanya at nagbantang ipapa-rape siya.

“Ang malisyosong paggamit ng social media ay hindi dapat na pinalalampas. Hindi dapat na ginagawang biro ang rape.

“Hinahangaan namin ang katapangan ni Liza na ipagtanggol ang kanyang sarili at protektahan ang dignidad niya bilang babae.

“Sana ay maging aral ito sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at irespeto ang iba.”

Jasmine Curtis aminadong ‘nabaliw’ sa pag-ibig

Ibinahagi ng ‘I Can See You: Love On The Balcony’ stars na sina Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno, at Denise Barbacena ang pinakabaliw na bagay na nagawa nila sa ngalan ng pag-ibig.

Sabi ng first time dad na si Pancho, wala pa talaga siyang maituturing na ‘pinakabaliw’ na nagawa para sa asawang si Max Collins.

“Wala naman akong crazy na ginawa para sa loved one ko. Siguro, crazy in love lang talaga ako sa kanya.”

Diretsahang ibinunyag ni Jasmine na naglipat ito ng bahay para sa kanyang minamahal.

Pagbabahagi naman ni Denise, may ideya raw siya sa kung anong gawain ang makokonsiderang ‘baliw’ para lang sa pag-ibig.

“Not actually something I did but I think the craziest thing you can do is to lose yourself in the process of loving someone.”

Makakasama rin nina Jasmine, Pancho at Denise sa ‘Love On The Balcony’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Mapapanood na ang ‘I Can See You: Love On The Balcony’ simula Lunes (Setyembre 28) sa GMA Telebabad.

Rayver handa nang magka-baby kay Janine

Kinantiyawan ng mga netizen si Rayver Cruz nang i-post ng Kapuso actor ang larawan nila ng pamangkin na si Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin, anak ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina.

“Puwede nang maging daddy!” ‘yan ang sigaw ng netizens sa Instagram post ni Rayver kung saan makikitang kalong-kalong niya si Baby Joaquin habang nakasuot ng face mask.

Bumuhos pa sa comment section ang biro ng netizens at fans nila ng girlfriend na si Janine Gutierrez na maaari na raw silang bumuo ng sariling pamilya kagaya ng nakatatandang kapatid. Panay nga ang kantiyaw sa dalawa, na magpakasal na, at gumawa na ng sarili nilang baby. Pero siyempre, dedma lang ang dalawa sa mga chika ng mga fan at friends nila.

Samantala, mapapanood nang muling mag-perform on stage si Rayver at ilan pang cast members ng ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (September 27) sa kanilang inaabangang pagbabalik-studio. Bukod pa riyan, mas pinahaba na rin ang oras ng programa na mapapanood mula 12PM hanggang 1:45PM sa GMA-7.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.