Una sa Balita

ABS-CBN sa Agosto pa mabibigyan ng prangkisa – Sotto

0 663

Sa buwan ng Agosto pa maaaring mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ito ang kuwenta ni Sotto sakaling simulan na ng Senado ang pagtalakay sa prangkisa ng Kapamilya network kapag inaprobahan na ito ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa pagtaya ng senador, Hunyo 1 ang pinakamaagang petsa para maaprobahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang provisional franchise.

Kung walang pagkakaiba ang Senate at House, walang bicam. Ibig sabihin nun by June 2 pipirmahan ni Speaker yan padadala sa akin, pipirmahan ko,” wika ni Sotto sa interview ni Cely Bueno ng DWIZ.

“Given na walang earthshaking problema. June 3 puwedeng ipadala sa Malacañang. So the President has until July 3 to sign it or veto it,” paliwanag pa ng senador.

Kung ive-veto ang panukala, sinabi ni Sotto na tepok na ang franchise bill dahil adjourn ang sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kung pipirmahan naman ng Pangulo, sa Agosto na magkakaroon ng bisa ang provisional franchise ng ABS-CBN

“15 days after July 19 effective na ang batas,” sabi ni Sotto pero kailangan pa rin ng network na humingi ng pahintulot sa National Telecommunications Commission (NTC).

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More